Ipinagpatuloy ang pamamahagi ng libreng 129 Certified Fertilizes at 207 Certified Seeds na may timbang na 50 kilo at 20 kilo sa mga magsasakang Malolenyo sa Brgy. Dakila ngayong ika-12 ng Enero 2024. Ito ay alinsunod sa adhikain ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na tulungan at palakasin ang aspeto ng agrikultura ng Lungsod.

Ayon kay Supervising Agriculturist Rebecca S. Hernandez, sinikap ng kanilang tanggapan na maipamahagi ng maaga ang mga binhi at ferilizer dahil panahon ng “araruhan” at dry season.