
Isinagawa ang turnover ceremony at blessing para sa karagdagang isang (1) Intel Vehicle at pitong (7) motorsiklo na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Malolos City Police Station (CPS) nitong ika – 24 ng Marso.
Ang mga bagong sasakyang ito ay inaasahang magpapahusay sa mobility ng ating kapulisan sa kanilang mga operasyon, na higit pang magpapabuti sa kaayusan at kaligtasan ng ating mga mamamayan. Kaugnay nito, patuloy ang Malolos CPS katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagpapalakas ng mga kagamitan at kakayahan nito upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, lalo na sa mabilisang pagtugon sa mga insidente, pagpapatibay ng presensya ng pulisya, at pagpapabuti ng serbisyo sa publiko.
Dumalo at nakiisa sa paggawad sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, Konsehala Therese Cheryll “Ayee” Ople, City Adminstrator Joel S. Eugenio, Chief of Staff Fernando E. Durupa, PCOL Satur L. Ediong, Provincial Director of the Bulacan at PPO, PLTCOL Rommel E. Geneblazo, COP at Malolos CPS.