Patuloy ang City Disaster and Risk Reduction Management Office sa pangunguna ni Katrina Pia Pedro LDRRMO IV ginagawa nitong paghahanda sa mga kawani at opisyal ng mga barangay sa mga sakunang magaganap sa hinaharap. Hangad ng naturang pagsasanay na mas lalong linangin pa ang kasanayan ng ating mga barangay officials sa wastong pagresponde sa mga emergencies na maari nilang harapin sa oras na ito’y kailanganin.

Mayroong 3 bahagi ang naturang training, ang unang bahagi na gaganapin sa unang araw ay tatalakay sa mga sumusunod:

– Primary Response to Emergency

– Checking an Injured or Ill Person

– Cardiac Emergencies ( CPR)

– Choking

– Sudden Illness

Ang ikalawang bahagi ay tatalakay naman sa :

– Traumatic Injuries (Bandaging Techiques)

– Environmental Injuries at Illnesses

– Emergency Moves

– Special First Aid Situation

– Injury Prevention

Samantala ang ikatlong bahagi ay magtatampok naman sa mga sumusunod:

– Immobilization Technique and Backboard Management Skills

– Lifting and Moving

Dumalo at nakilahok sa naturang pagsasanay ang ilang mga barangay sa ilalim ng Cluster 1 at Cluster 2, mga kawani ng CDRRMO, mga Konsehal na sina Troi Aldaba III at ABC President Jun Cruz.

Samantala sina Antonio Sapasap Jr.,Irish Santigo, Maria Fe Lourdes Grace Sy,

Jedidah Dapon, Gabriel Luis Adriano mula sa Malolos CDRRMO, Maribeth Bonifacio at Francis Faustino mula sa Deparrtment of Education, Rommel Trimor mula sa PDRRMO at Rudy Cristobal naman mula sa Bustos MDRRMO ang mga nagsilbing Instructors.

Ang pagsasanay na ginanap mula Abril 15-17 ay inaasahang magpapatuloy sa Abril 18-20 at Abril 22-24 at ito ay gaganapin pa din sa Regional Evacuation Center .