
Mula sa pinagsamang puwersa ng Malolos City Police Station at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, agarang nahuli ang 8 salarin na sangkot sa pagpapaslang sa isang PWD.
Kung matatandaan, isang PWD ang pinaslang sa Brgy Sto Nino noong ika-1 ng Enero, at napagalaman na 5 sa 8 salarin ay pawang mga menor de edad. Agad namang naglabas ng 200k na pabuya si Punong Lungsod Christian D. Natividad noong ika-5 ng Enero na isa sa naging daan, kasama ang pagsisikap ng Malolos PNP sa agarang pagkakahuli ng mga suspek
Naging daan din ito sa pagkakabunyag ng mga iba’t-ibang gang dito sa lungsod. Kabilang na rito ang mga grupong Bardagulan at
OG Hood (Mojon Based), 2PACS (Catmon based), MAFIA (Northville 8 based),
Solid BARAKUDA Fam (Atlag Based), SMOKE Gang (Sabitan, Sto Rosario based), 4 JOINTS, 3 JOINTS, 2 JOINTS, 1 JOINT, Tropamilya, Tres BaraKuda at Bangus Tilapia Ganlunggong (all Bangkal based), 2 RK ZORDEK (Caniogan based), TRIPPINGS (Tuklas based), TNF (Planta, Stma. Trinidad Based), 4K (Atlag/Balayong based), EL JUBIS (Paombong based na gumagala rin sa kalapit na lugar sa Malolos), at 14K (Sto. Niño, Plaridel based na gumagalaw din sa kalapit na lugar sa Malolos).
Bunsod ng krimeng ito, minarapat ni Mayor Agila sa pamamagitan ni Abgdo Cyrus Paul Valenzuela ng tanggapan ng Panglungsod na Manananggol na manawagan sa lahat ng Punong Barangay na mahigpit na ipatupad ang Ordinansa Bilang 07-2004 kung saan ipagbabawal ang lahat ng menor de edad ang lumabas mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga.
Samantala noong Enero 7, nagsagawa ng citywide crackdown sa pangunguna ni Mayor Agila kasama ang ilang miyembro ng Malolos CPS at mga force multipliers. Ang naturang crackdown ay naglalayong tukuyin ang mga napagalamang mga hideouts na mula sa hindi lamang sa pagiimbistiga ng ating kapulisan kung hindi sa mga netizens na nagnanais ng agarang pagbubuwag ng mga gangs sa ating lungsod.