
Nilagdaan na nitong ika-7 ng Abril ang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pagpapatupad ng programang ๐๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ, ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ผ๐ป ๐ ๐ฆ๐ ๐๐, kung saan ang Lungsod ng Malolos ang kauna-unahang lungsod sa lalawigan ng Bulacan na magpapatupad nito.
Layunin ng programa na magbigay ng tulong, sapat na kaalaman, at kakayahan sa mga lokal na negosyanteโlalo na sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Lungsodโbilang tugon sa hamon ng kakulangan ng teknikal na kaalaman sa mga alituntuning pangkaligtasan at legal, tulad ng Good Manufacturing Practices (GMP) at iba pang prosesong hinihingi ng FDA. Ang ganitong mga kaalaman ay kadalasang hindi agad naabot ng mga MSMEs dahil sa limitadong teknikal o pinansyal na kapasidad.

Alinsunod ito sa mga prinsipyo ng Republic Act No. 9501, o ang โMagna Carta for Small Enterprises,โ na kinikilala ang pangangailangang itaguyod, suportahan, at paunlarin ang mga MSMEs. Bahagi ng implementasyon ng batas ang aktibong pakikipagtulungan ng FDA sa mga Local Government Units (LGUs) upang maabot at matulungan ang mga MSMEs sa kani-kanilang nasasakupan.

Dumalo at lumagda sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Director General, Food and Drug Administration Dr. Samuel A. Zacate, OIC-Deputy Director General, FDA | Co-Chairperson, FDS-MSME Committee Jesusa Joyce N. Cirunay, RPh, Director III, FDA | Chairperson. FDA-MSME Committee Emilio L. Polig Jr., Director North Luzon Cluster Gomel C. Gabuna, Regional Supervisor Region III Virginia P. Timbol, at mga kasapi ng FDA Committee at kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.