Nilagdaan na sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, Bulacan State University, at Department of Education ang kasunduang bubuo ng isang π’‰π’π’π’Šπ’”π’•π’Šπ’„ π’”π’π’„π’Šπ’‚π’ π’˜π’†π’π’‡π’‚π’“π’† 𝒂𝒏𝒅 π’…π’†π’—π’†π’π’π’‘π’Žπ’†π’π’• π’Žπ’π’…π’†π’ na siyang magsisilbing π’†π’„π’π’”π’šπ’”π’•π’†π’Ž ng pagkatutuo para sa mga mag-aaral na nahihirapang magbasa at / o 𝒏𝒐𝒏-𝒓𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔.

Layunin ng programa na mapalakas ang suporta ng pamilya at komunidad sa mga elementary students na nahihirapang magbasa at / o 𝒏𝒐𝒏-𝒓𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔, pagbibigay tulong sa mga college students na kasapi ng π’π’π’˜ π’Šπ’π’„π’π’Žπ’† π’‡π’‚π’Žπ’Šπ’π’Šπ’†π’” at kasalukuyang nag-aaral sa mga State or Local College/University, bigyan ang mga 2nd to 4th year college student ng sapat na kaalaman upang turuan ang mga Grade 1 at upcoming Grade 2 students, at itaas ang antas ng edukasyon ng mga elementary students na siyang nahihirapang magbasa at / o 𝒏𝒐𝒏-𝒓𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔.

Ilan sa mga proyekto na nakapailalim sa 𝑻𝒂𝒓𝒂, 𝑩𝒂𝒔𝒂! π‘»π’–π’•π’π’“π’Šπ’π’ˆ π‘·π’“π’π’ˆπ’“π’‚π’Ž ay;

Tutorial Sessions for Struggling / Non-Readers Elementary Students

Cash-for-work for Families

Capability Building for Learning Facilitators and Youth Development Workers

Sessions with Parents at,

Cash-for-work for Learning Facilitators and Youth Workers (College Students)

Mayroong kabuuang 13,188 na incoming Grade 2 learners ang tuturuan ng 1,319 na college students na may 1:10 ratio, at magkakaroon 264 college students na magiging Youth Development Worker na magngunguna nsa Nanay-Tatay Teacher Session para sa mga magulan ng 13,188 learners an may 1:50 ratio.

Dumalo at nagpakita ng suporta sina City Administrator Joel S. Eugenio at CSWDO Department Head Lolita SP Santos, RSW.

Photo Credits to G. Parrenas β€” CA’s Office.