
Idinaos ang ribbon-cutting para sa Malo-Pets (Malolos Pet Exhibit Hub) sa pangunguna nina Mayor Christian D. Natividad, Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista at ng City Veterinary Office sa New City Hall grounds.
Tampok sa nasabing exhibit ang iba’t ibang uri ng hayop tulad ng ahas, aso, pusa, iguana, parrots at iba pa. Mayroon ding libreng serbisyo para sa mga hayop tulad ng free grooming, free vaccine, dog show at iba pa.
Ayon kay Mayor Natividad, layunin ng proyekto na maging aware ang publiko sa mga ipinagbabawal ng batas lalo na ang illegal trading ng mga hayop. Hinikayat din niya na alagaan at bigyang-respeto rin ang mga hayop tulad ng pagbibigay-respeto sa kapwa tao at batas.
Dagdag pa ni Mayor Natividad, magkakaroon din ng rescue center sa Lungsod ng Malolos para sa mga hayop na inabandona at napabayaan ng may-ari.
Dumalo rin sa nasabing gawain sina Konsehal Michael Aquino, City Administrator Joel Eugenio at Chief of Staff Ferdie Durupa.