Sa pamamagitan ng City Tourism Office, binuksan ngayong araw ang kauna-unahang Pinta-Kasaysayan, isang Painting Contest bilang bahagi ng Fiesta Republica 2024.

Ang kumpetisyon ay naging bukas sa mga Bulakenyo na may edad 16-30. Layunin nito na mapaigting ang kamalayan ng mga tao sa mga makasaysayang pook na matatagpuan sa Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng sining.

Kabilang sa mga lugar na naitampok ang Barasoain Church, Casa Real Shrine (Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas), Old City Hall, Malolos Cathedral, Sto. Niño (kalye ng Kameztisuhan), at Dr. Luis Santos House.

Isang eksibisyon sa Robinson’s Place Malolos ang inaasahan mula ika-20 hanggang ika-23 ng Enero kung saan maaaring makita ang mga obra.

Ang mga magsisipagwagi ay gagawaran ng parangal sa huling araw ng eksibit, na kung saan makakatanggap ang kampyon ng P20,000, P15,000 sa ikalawang pwesto, habang P10,000 para sa ikatlong pwesto.