
Isinigawa nitong ika-15 ng Abril 2025 sa 4f Auditorium sa New Cityhall Building. Matagumpay na naidaos ang ikalawang Joint CPOC- CADAC meeting. Dinaluhan ng mga Civil Society Organizations, ilang kapitan ng mga barangay at mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan. Layunin ng pagpupulong na ito ang pagkakaroon ng mas makabuluhang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan, mga sangay ng gobyerno, Pamahalaang Barangay at mga mamayan tungo sa mas ligtas, mas maayos at mas payapang komunidad para sa lahat.
Sa unang bahagi ng pagpupulong, inilihad ni CLGOO Digna Enriquez LGOO VI ang pagkakaroon ng CSO hour sa bawat pagpupulong , dito maiuulat ng ating mga CSOs ang kanilang mga accomplishments mula sa huling naging pagpupulong, upang nang sa gayon ay makapagbalangkas pa ng mga nararapat na solusyon at matukoy din ang iba pang mga pangangailangan upang mas epektibo at mas maayos nitong magawa ang kanilang mga responsibilidad.
Sa ulat naman ni PLTCOL Rommel Genoblazo, bagamat ang Lungsod ng Malolos ay kilalang tahimik at mapayapang lungsod lalong lalo na sa panahon ng eleksyon. Impotante aniya ang patuloy na komunikasyon sa pagitan ng kaniyang tanggapan at sa Commision on Elections upang magpatuloy ang kapayapaan at katahimikan. Bahagi din ng kanyang ulat ang patuloy na pagbaba ng bilang ng krimen sa buong kalungsuran.
Samantala, minungkahi ng isang konsehal mula sa barangay ng Panasahan na kung maari ay magsagawa ng pagsasanay ang mga kawani ng barangay patungkol sa kanilang responsibilidad at mga dapat tandaan sa pagiimbentaryo ng mga nakuhang mga ebidensya sa isang buy bust operation.
Bilang pagtatapos, binigyang parangal at pagkilala ang mga barangay na nagdaan sa City-wide Assesment para sa Barangay Road Clearing, HAPAG sa Barangay o Halina’t magtanim ng prutas at gulay at Kalinisan o Weekly Cleanup. Ang mga binigyang parangal na mga barangay ay magkakaroon naman ng pagkakataon na mabigyang parangal sa Nationwide Assesment ng DILG.