200 Maloleño mula sa iba’t-ibang barangay at departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang nabigyan ng libreng checkup , laboratory at gamot bilang bahagi ng PhilHealth Konsulta Caravan. Ang naturang programa na ginanap sa Malolos City Sports and Convention Center ay mula sa pakikipagtulungan ng PhilHealth at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Nagpakita naman ng suporta ang City Health Office sa pangunguna ni Office in Charge Dr. Eric Villano sa pamamagitan ng pagtulong ng mga doktor ng lahat ng mga Rural Health Units sa pagsusuri sa ating mga kalungsod .

Lubos naman ang naging pasasalamat at taus pusong pagtanggap ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad sa PhilHealth sa pagpili sa Lungsod ng Malolos upang mapagdausan ng kanilang programa. Ayon kay Mayor Christian bukas ang lungsod ng Malolos sa mga ganitong programa na ang layunin ay mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Maloleño. Hangad din niya na maging miyembro ang mga ito ng PhilHealth.

Dumalo at nagpakita ng suporta ang ilang kawani at doktor mula sa lahat ng RHUs , Dr. Emily V. Paulino, MPH-DMO V DOH Provincial Extension Office, mga konsehal na sina Michael Aquino, Committee on Health at Abgdo Nino Carlo Bautista, Committe on Gender and Development, Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad.