Bumisita sa Lungsod ng Malolos ang Munisipalidad ng Gerona, Tarlac kasama ang ilang pinuno’t kawani ng Department of Education – Tarlac (DepEd – Tarlac) at sanggunian ng LGU Gerona para sa isang “Benchmarking Activity for the National Literacy Awards” sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, Huwebes, ganap na ika-23 ng Marso.

Tampok sa inilunsad na programa ang pagtalakay sa proseso ng naging preparasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa nakalipas na National Literacy Awards 2022. Gayundin ay binigyang-silip ng LGU Gerona ang isa sa mga tanyag at historikal na lugar sa Lungsod ng Malolos, ang Our Lady of Mt. Carmel Parish – Barasoain Church. Ibinida naman ng lungsod ang tuluyang pag-arangkada ng Roving Radio Station (RRS) at binigyang paanyaya ang mga bisita sa kanilang ganap na pag-ere sa Malolos Public Market (MAPUMA).

Ang National Literacy Awards (NLA) ay isang kompetisyon na naggagawad ng parangal para sa mga indibidwal, personalidad, at Local Government Units (LGUs) na silang nagsasapraktika sa pagsulong ng mga programa’t adbokasiya na may layuning hubugin ang antas ng literasiya sa lokal na komyunidad at sa buong bansa. Ang NLA ay nakahanay sa tatlong kategorya kabilang ang Outstanding Local Government Units, Outstanding Literacy Program, at Special Award of Excellence in Literacy.

Matatandaan na ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay nasungkit ang ika-limang puwesto (5th Place) sa Outstanding Local Government Unit – Independent/Component City Category noong taong 2022, na siyang manipestasyon ng progresibong pag-angat ng estado ng literasiya ng lungsod.

Nagtungo sa ginanap na Benchmarking Activity sina G. Salvador B. Lozano (ALS Focal Person, SDO City of Malolos); Gng. Helen R. Bose, Ed.D (ALS Focal Person, DepED – Tarlac); G. Holden Sembrano (Municipal Councilor – Tarlac); ilang pinuno ng dibisyon at departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos; mga kasapi ng Education Program Specialist for ALS; at mga guro ng Alternative Learning System (ALS) ng LGU City of Malolos at LGU Gerona