Sa pangunguna ng Head Secretariat ng Community-Based Monitoring System Coordinating Board, Inh. Eugene N. Cruz, EnP, tinalakay ng mga kinatawan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sina Ms. Marian E. Tayson at Ms. Virginia T. Limco ang mga usapin patungkol sa implementasyon ng CBMS sa buong Pilipinas.

Ang Layunin ng CBMS ay ang ma-update ang mga kinakailangang datos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at malaman ang mga π‘€π‘’π‘Žπ‘˜π‘›π‘’π‘ π‘ π‘’π‘  at π‘ π‘‘π‘Ÿπ‘’π‘›π‘”π‘‘β„Žπ‘  ng mga Barangay sa bawat datos na makukuha. Ang mga ito’y gagamitin para sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa at proyekto na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng komunidad at mamamayan.

Ang mga impormasyong kinakalap ay may kaugnayan sa edukasyon, kalusugan, partisipasyon ng komunidad, seguridad sa pagkain, kahandaan sa sakuna, at iba pang aspeto na nakakabit sa mga Layunin ng United Nations para sa Pananatilihang Kaunlaran.

Ang ilang mga salik na bibigyang prayoridad sa CBMS ay ang mga lugar sa Lungsod ng Malolos na siksikan ang mga tao, subdivisions, at hard-to-reach areas gaya ng coastal areas.

Sa pagtatapos ng pagpupulong ay isinagawa ang pagbuo ng Technical Working Group ng CBMS-Coordination Board sa pangunguna ng City Administrator Office.