Local Civil Registry Office ng Malolos (LCRO-Malolos), Kampyon sa Civil Registry Document Contest – Large Category 2021 noong ika-28 ng Pebrero, 2022 sa pagdiriwang ng Buwan ng Sibil na Rehistrasyon na ginanap sa PSA Bulacan.

Ayon sa pagpapaliwanag ni Jocielynn A. Javier, Department Head – LCRO Malolos, pinagbabatayan ng nasabing award ang accomplishment report ng tanggapan at laki ng populasyon ng bayan o lungsod. Nakatunggali ng LCRO-Malolos ang iba pang mga bayan sa Bulacan na may malalaking populasyon katulad ng San Jose del Monte, Sta. Maria, San Ildefonso at iba pa. Nanguna ang LCRO – Malolos sa buong lalawigan ng Bulacan sa Civil Registry Document Contest – Large Category 2021 dahil sa tamang pagganap sa kawastuhan ng detalye at maaagang pag sumite ng mga dokumento at accomplishment report. Sa mensahe ni Javier, kaniyang sinabi na ang award na kanilang natanggap ay dahil sa pagtutulungan ng bawat isa at dahil sa maayos na pamamalakad upang maisiguro ang mabilis na serbisyo para sa mamamayan.

Matatandaan na noong 2019, ang LCRO – Malolos ay itinanghal ng Philippine Statistics Authority – Bulacan (PSA-Bulacan) bilang “Most Improved Civil Registrar Office.” Sa kasunod na taon naman ay nakuha nila ang unang pwesto sa Civil Registry Document Contest – Large Category 2020.