Ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council (LCC) ay binigyang parangal ang mga natatanging local government units at non-government organizations dahil sa kanilang maigting na pagtataguyod at pagpapaunlad ng edukasyon sa pamamagitan ng literasiya.
Ang Lungsod ng Malolos ay kabilang sa mga nagkamit ng parangal kung saan pang-5th Place for Most Outstanding Local Government Unit- Independent Component/Component City Category sa National Literacy Award ang lungsod.
Matatandang noong ika-30 ng Mayo 2022 ay nagkaroon ng validation na pinangunahan ng Department of Education City Schools Division of Malolos upang suriin ang kahandaan ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng mga dokumento at kahingian para dito. Sa nasabing ebalwasyon ng validators, nakakuha ng 3.94 na rating ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon, agrikultura, panlipunan, turismo, pangkabuhayan, impormasyon at pang-edukasyon.
Noong ika-16 hanggang ika-19 ng Agosto ay nagpunta ang board of judges nga at ang LCC Secretariate Coordinator sa Lungsod ng Malolos upang magsagawa ng pagbisita at ebalwasyon sa iba’t ibang tanggapan at mga pangunahing proyekto ng Malolos.
Ang pagtanggap ng parangal ay pinangunahan ni Punong Lungsod Christian D. Natividad, Chief of Staff Ferdie Durupa, Schools Division Superintendent Norma P. Esteban EdD, CESO V at iba pang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ALS-SDO Malolos.
Pinangunahan nina DepEd Undersecretary and Chief of Staff Epimaco V. Densing III, Undersecretary for Curriculum and Instruction Ginna Gonong, at Pasig City Representative at LCC Member Hon. Roman T. Romulo ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi.
Ang NLA 2022 ay isinagawa sa pakikipagtulungan kasama ang Schools Division Office at LGU ng Mandaluyong City, Cebuana Lhuillier Foundation, Inc. at PLDT, Inc.