
Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang Lungsod ng Malolos ng Provincial Government of Bulacan sa pagkamit ng ika – 6 na pwesto sa nakaraang CMCI – Provincial Ranking na ginanap sa Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Masusing sinuri ng Provincial CMCI – Technical Working Group ang mga dokumentong ipinasa ng Lungsod kung saan nakitang malaki ang pag-unlad ng Lungsod sa pagusbong/pagtaas ng antas ng pamumuhay na siyang nakita sa 5 Pillars na – Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Innovation, at Resilliency.
Ang CMCI ranking ay indikasyon ng pagbuti ng kalidad ng pamumuhay sa isang lungsod. Gaya ng paglago at pagdami ng mga negosyo gayundin ang pagtaas ng mga oportunidad sa hanapbuhay at trabaho.
Personal na tinanggap nina Victorino G. Aldaba Jr., Department Head Office of the City Economic Enterprise & Manager (OCEEM) na kumatawan kay Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Keith Caluag at Ralph Alfred Dela Cruz ng Business Permit and Licensing Division na silang kumatawan kay Abgda. Aida S. Bernardino ang Sertipiko ng Pagkilala toto 4d.
Photo Credits to: Provincial Government of Bulacan (group photo)