Punong Lungsod Bebong Gatchalian, binigyang pagkilala ng Department of Education Region III bilang kaisa sa pagsusulong ng mahusay, dekalidad, at accessible na edukasyon nitong ika-7 ng Pebrero, 2022.

Kasama ang mga kinatawan ng Department of Education sa pangunguna ni Malolos Schools City Division Superintendent Dr. Norma Esteban, ipinagkaloob sa Punong Lungsod ang plaque ng pagkilala para sa ginanap na 2021 Gawad Katig Awarding Ceremony noong ika-16 ng Disyembre.

Ayon sa DepEd, lubos ang pasasalamat nila sa punong lungsod sa ipinakita nitong dedikasyon upang mapainam ang estado ng edukasyon sa lungsod sa kabila ng pandemya.