Binigyang pagkilala nitong ika-14 ng Abril sa 4f Auditorium ng New Cityhall building ang dalawang bayaning Malolenyo ng WWII na sina Remedios S. Roque, 98 at Feliciano C. Bautista 96. Pinarangalan din sa naturang programa ang mga kaanak nina Sgt Pascual B. Domingo na si Dr. Dave Rowland Domingo, anak ni Alejandro A Joson na si Piskal Hermilando Joson, anak ni Feliciano Bautista na si Kon Nino Bautista at anak ni Kapitan Teodulo C. Natividad na si Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad.

Ang naturang programa ay bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Kagitingan noong ika-9 ng Abril at ng Linggo ng mga Beterano ng Pilipinas na ginanap naman noong Abril 5-11.

Ayon kay Virgilio Crisostomo, Pangulo, VSP SDAI/Angkan ng Bayaning Beterano ng WWII. Minarapat ng kanilang grupo ang bigyang pagkilala ang mga bayaning beteranong nabanggit sa pinamalas nilang katapangan at sa kanilang mga sakripisyo noong panahon ng World War II.

Nagsidalo naman sa naturang programa sina Virgilio Crisostomo Pangulo ng VFP SDAI/Angkan ng Bayaning Beterano ng WWII, Kol. Hanibal Lipardo, Tagapangulo ng Board of Trustess WWII, Raymond Democrito Mendoza TUCP Party List Representative, Pablo Panganiban Pangulo VSP Unang Distrito ng Bulacan, mga Konsehal na sina Nino Carlo Bautista, Ayie Ople at Noel Sacay at Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto Bautista.

Ito ay mula sa pakikipagtulungan ng Veterans Federation of the Philippines at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.