Binigyang pagkilala nitong ika-27 ng Marso ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ang lokal na kapulisan sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Andrei Anthony S. Manglo sa pagkakahuli sa Bulacan’s number one most wanted criminal sa Ilocos Norte kasama ang ilang mga police officers.

Iginawad din ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ang karagdagang walong motorsiklo para sa “mobility” ng kapulisan ng Lungsod ng Malolos.

Inanunsyo naman ni Engr. Reynaldo Garcia ang gaganaping “General Assembly” at “Election” ng mga kasapi ng City Government of Malolos Employees Multipurpose Cooperative nitong darating na biyernes, ika-31 ng Marso.

Inaanyayahan ni Engr. Reynaldo Garcia ang mga ibang hindi pa kasapi ng kooperatiba na sumapi o maging miyembro ng samahan para makita nila kung paano makakatulong ang kooperatiba sa bawat isa.

Kaalinsunod sa nasabing paanyaya, inanyayahan din ng mga kandidatong tatakbo sa posisyon na Board of Directors na bumoto ng wasto at tama.