
Nagtagumpay muli sa ika-apat na pagkakataon ang Malolos Marine Fishery School and Laboratory, sa pagkamit ng unang gantimpala sa taunang Dulansangan Showdown Competition noong ika-23 ng Enero 2024.
Ang street dance-drama competition na ito ay naging tampok sa Fiesta ng Republica 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng unang republika ng Pilipinas.
Mula sa 10 na paaralan ang lumahok at nagbigay ng kanilang husay sa nasabing kompetisyon. Ang District 5- Malolos City High School Santisima Trinidad ang nagwagi ng unang gantimpala sa Street Dance na may papremyong P50,000 habang ang District 9- Malolos Marine Fishery School and Laboratory naman ang nagtagumpay sa Showdown, at nag-uwi ng papremyong nagkakahalaga ng P100,000.
Narito naman ang listahan ng iba pang mga nagwagi sa ibaβt-ibang patimpalak na bahagi ng selebrasyon:
ππππππ πππππ πππππππππππ
Ikalawang Gantimpala (P30,000) District 4-Bulihan National High School
Ikatlong Gantimpala (P20,000) District 1-Barasoain Memorial Integrated School
ππππππππ πππππππππππ
Ikalawang Gantimpala (P70,000) District 3-City of Malolos Integrated School-Catmon
Ikatlong Gantimpala (P50,000) District 2-Marcelo H. Del Pilar National High School
πππππππ ππππππ
Biggest Delegation (P30,000) District 2-Marcelo H. Del Pilar National High School
Most Creative Delegation (P30,000) District 5-Malolos City High School-Santisima Trinidad
Ang patimpalak na ito ay naglalayong higit pang palawakin at palalimin ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa kasaysayan. Itoβy isang hakbang na naglalagay ng diin sa mga mahahalagang yugto na nakatulong sa pagtamo at pag-unlad ng kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.
Nagsilbing mga hurado, na nagbahagi ng kanilang karunungan sina Richard G. Daenos, Carmencita J. Bernardo, Riya Brigino, Frank Rivera, Shirley Halili-Cruz, Roberto Ramirez Jr., Arwin Paul LIngat, Joseph J. Cristobal at Rene Villanueva.
Bahagi ng nasabing programa, pinarangalan din ang ibaβt-ibang mga gawain;
Kasalan at Handaan sa Republika
Best Table Setting
3rd Place- Photoshop Events and Photography
2nd Place- Family Affairs Events and Specialist
1st Place- Events Solution
Best Group Booth
3rd Place- Photoshop Events and Photography
2nd Place- Events Solution
1st Place-Family Affairs Events and Specialist
One Barangay, One Product
3rd Place-Brgy. Sumapang Bata
2nd Place- Brgy. Matimbo
1st Place- Brgy. Bagna
Desposorio at Sayaw sa Bukid Competition
3rd Place-Mananayaw sa Brgy. Bulihan
2nd Place-Mananayaw sa Brgy. Dakila
1st Place- Mananayaw sa Malanggam, Brgy. Bulihan
Kulay Pamana On the Spot Painting Contest
3rd Place- Samuel Santiago
2nd Place- Joan Lacsamana
1st Place-Franco D. Jabulang