Nagtagumpay muli sa ika-apat na pagkakataon ang Malolos Marine Fishery School and Laboratory, sa pagkamit ng unang gantimpala sa taunang Dulansangan Showdown Competition noong ika-23 ng Enero 2024.

Ang street dance-drama competition na ito ay naging tampok sa Fiesta ng Republica 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng unang republika ng Pilipinas.

Mula sa 10 na paaralan ang lumahok at nagbigay ng kanilang husay sa nasabing kompetisyon. Ang District 5- Malolos City High School Santisima Trinidad ang nagwagi ng unang gantimpala sa Street Dance na may papremyong P50,000 habang ang District 9- Malolos Marine Fishery School and Laboratory naman ang nagtagumpay sa Showdown, at nag-uwi ng papremyong nagkakahalaga ng P100,000.

Narito naman ang listahan ng iba pang mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak na bahagi ng selebrasyon:

𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 π‚πŽπŒππ„π“πˆπ“πˆπŽπ

Ikalawang Gantimpala (P30,000) District 4-Bulihan National High School

Ikatlong Gantimpala (P20,000) District 1-Barasoain Memorial Integrated School

π’π‡πŽπ–πƒπŽπ–π π‚πŽπŒππ„π“πˆπ“πˆπŽπ

Ikalawang Gantimpala (P70,000) District 3-City of Malolos Integrated School-Catmon

Ikatlong Gantimpala (P50,000) District 2-Marcelo H. Del Pilar National High School

π’ππ„π‚πˆπ€π‹ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒

Biggest Delegation (P30,000) District 2-Marcelo H. Del Pilar National High School

Most Creative Delegation (P30,000) District 5-Malolos City High School-Santisima Trinidad

Ang patimpalak na ito ay naglalayong higit pang palawakin at palalimin ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa kasaysayan. Ito’y isang hakbang na naglalagay ng diin sa mga mahahalagang yugto na nakatulong sa pagtamo at pag-unlad ng kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.

Nagsilbing mga hurado, na nagbahagi ng kanilang karunungan sina Richard G. Daenos, Carmencita J. Bernardo, Riya Brigino, Frank Rivera, Shirley Halili-Cruz, Roberto Ramirez Jr., Arwin Paul LIngat, Joseph J. Cristobal at Rene Villanueva.

Bahagi ng nasabing programa, pinarangalan din ang iba’t-ibang mga gawain;

Kasalan at Handaan sa Republika

Best Table Setting

3rd Place- Photoshop Events and Photography

2nd Place- Family Affairs Events and Specialist

1st Place- Events Solution

Best Group Booth

3rd Place- Photoshop Events and Photography

2nd Place- Events Solution

1st Place-Family Affairs Events and Specialist

One Barangay, One Product

3rd Place-Brgy. Sumapang Bata

2nd Place- Brgy. Matimbo

1st Place- Brgy. Bagna

Desposorio at Sayaw sa Bukid Competition

3rd Place-Mananayaw sa Brgy. Bulihan

2nd Place-Mananayaw sa Brgy. Dakila

1st Place- Mananayaw sa Malanggam, Brgy. Bulihan

Kulay Pamana On the Spot Painting Contest

3rd Place- Samuel Santiago

2nd Place- Joan Lacsamana

1st Place-Franco D. Jabulang