
Mula sa inisyatibo ng Rotary Club of Malolos Hiyas katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Health Office, naging matagumpay ang pagsasagawa ng Medical and Dental Mission sa Isla Namayan .
Humigit kumulang na 300 katao ang naging benepisyaryo ng proyekto, kabilang ang ilang mga Senior Citizens. Pinagkalooban din sila ng mga libreng gamot at gulay.
Nakiisa at nagbigay rin ng suporta ilang mga pribado at mga Non-Government Organization katulad ng Drug Central, ManejKom Travel and Tours, Feast Little Acts of Love Foundation , at McDonalds-BulSU.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni Kapitan Lawrence Pinto ng Brgy Namayan sa pagpili sa kanyang barangay na mapagdausan ng naturang programa. Ayon sa kanya malaking tulong aniya ito sa kanyang mga nasasakupan.
Dumalo at nagpakita ng suporta sina BPLD Head Atty. Aida Bernardino, CHO OIC Dr. Eric Villano, City Dentist Dr. Dondon Bautista, City Administrator Joel Eugenio, mga doktor, dentista at ilang mga kawani ng City Health Office.