Pirmado na ngayong araw, ika-14 ng Agosto ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at La Consolacion University of the Philippines.

Ang kasunduang ito ay alinsunod sa community outreach program ng LCUP na tinawag na Mother Rita Barcelo Outreach Program (MRBOP). Ilan sa mga binigyang pansin sa programang ito ay ang pagbibigay ng impormal na edukasyon sa mga batang may edad na 3-9 taong gulang, mga teenage moms at mga kabataang limitado ang kaalaman pagdating sa pagbabasa, pagsusulat at sa matematika.

Kasama rin sa magiging benepisyaryo ng naturang programa ang mga indigenous people at mga pamilya ng mga OFWs, kung saan bibigyan naman ng proteksyon ang kanilang mga karapatan at upang lalo pang mapaglinang ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang responsibilidad sa lipunan.

Dumalo sa naturang MOU signing sina LCUP President SR. Niceta M. Vargas OSA Ph.D., City Engineer Ricasol Millan, CEEDO Head Butch Aldaba, CIty Legal Officer Atty. Cyrus Valenzuela, mga konsehal na sina Ayee Ople, Atty Niño Bautista at Troi Aldaba III at Mayor Christian D. Natividad.