![](https://maloloscity.gov.ph/wp-content/uploads/2023/03/mars2-1024x577.jpg)
Bilang bahagi ng Buwan ng Kababaihan, nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office ng “Empanada at Buchi Making” para sa mga coordinator ng KPK kung saan tampok ang paggawa ng iba’t ibang uri ng empanada at buchi.
Ang nasabing programa ay naglalayong tulungan ang mga kababaihan ng Malolos na madagdagan ang kaalaman sa paghahanapbuhay gayun din ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng responsableng pamilya
Ayon kay CSWDO Department Head Lolita SP. Santos, RSW, ay mas paiigtingin pa ang “women empowerment” sa Malolos sa pamamagitan ng pagkatuto sa mga pamamaraan na maaring magamit sa pagpapaangat ng kabuhayan ng pamilya ng bawat Malolenyo.
Binigyang patunay din ni Ms. Ma. Ines Rosana L. Recio, Accredited TESDA Trainor na sa simpleng paggawa ng empanada at buchi ay maaring makapaghatid ito ng pangkabuhayan.
Dumalo sa nasabing pagsasanay ang Presidente ng KPK na si Digna C. Quinto at ilang mga kasapi ng nasabing samahan.