Handog ng Arts, Culture, Tourism and Sports Division ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos naganap sa ikalawang pagkakataon ang taunang Malolos Theater Festival. Ang naturang festival ay inabangan ngayong taon sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon kakaiba ang naging pqgtatanghal ang naganap noong ika-24 ng Marso.

Sa nakasanayan, ang senakulo ng Malolos Theater Festival ay ang mga manunuod ang magtutungo sa isang lugar upang matunghayan ang pagtatanghal sa kabuoan nito, naging kakaiba ang naging konsepto sa taong ito. Ang pagtatanghal ay magaganap sa kahabaan ng Paseo del Congreso at magtatapos sa bagong Cityhall building sa Brgy Bulihan. Mayroong 12 station o lugar ng kung saan tampok ang mga importanteng kaganapan sa nakagawiang Senakulo mula sa pagdadakip kay Hesukristo hanggang sa pagpapako nito.

Ang mga grupong naging bahagi ng pagtatanghal ay ang Samahang Senakulista ng Malanggam, Centerstage Performing Arts Group, Samahang Senakulista ng Caingin, Samahang Senakulista ng Tikay 1914, Sagwan Theater Group, Canalate Community Theater Art Guild, Dularawang Bulacan Foundation Inc. at Barasoain Kalinangan Foundation Inc.