Ang mga mag-aaral mula sa Bulacan Ecumenical School ay nakipag tulungan sa City Information Office at Roving Radio Station sa pamamagitan ng Good Morning Malolos kung saan ay kanilang inilunsad ang kanilang kampanya sa pangangalaga sa kalikasan.
Ayon kay John Gabrie R. Mercado, Grade 12 GAS Student mula sa BES, layunin ng adbokasiya na magbigay kaalaman at mensahe hindi lamang sa bawat indibidwal kundi pati na rin sa komunidad patungkol sa tamang pangangalaga sa kalikasan.
Sa panayam naman kay Karen Joy D. Zamora, Grade 12 ABM Student mula rin sa BES, ang kapaligiran ay importante hindi lamang sa mundo kundi sa bawat indibidwal.
Sa pagtatapos ng programa, hinimok ng mga mag-aaral ang bawat indibidwal na maki-isa sa kampanya tungo sa malusog na kapaligiran.