Ika-18 ng Marso โ€“ Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang 2 Kababaihan at 1 Samahang Pangkababaihan bilang resipyent ng mga parangal sa nakaraang Gawad Medalyang Ginto na isinagawa sa Hiyas Convention, City of Malolos, Bulacan noong ika โ€“ 12 ng Marso na sina ๐†๐ง๐ . ๐‰๐จ๐ง๐š๐ก ๐‹. ๐†๐š๐ซ๐œ๐ข๐š โ€“ ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐›๐š๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐†๐ง๐ . ๐๐š๐ฅ๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ง๐š โ€œ๐€๐ฅ๐ฆ๐šโ€ ๐. ๐“๐ž๐ฃ๐ฎ๐œ๐จ โ€“ ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐›๐š๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐š๐ญ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐จ ๐ง๐ข ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐š ๐ƒ๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐จ.

Ang Gawad Medalyang Ginto 2024 ay may temang “Matatag na Pamilyang Bulakenyo, Katuwang sa Pagpapaunlad ng Lalawigan Ko” alinsunod sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa pangunguna ng Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB).

Ayon kay Gng. Jonah L. Garcia, lubos ang kaniyang pasasalamat sa Lungsod ng Malolos sa walang sawang suporta sa mga adbokasiyang kaniyang isinusulong hindi lamang para sa mga kababaihan gayundin sa mga kabataan.

Ayon din kay Gng. Garcia ilan sa mga proyekto na kaniyang isinusulong ay, Puni Making, Paggamit ng Natural at Recyclable Materials, Religious Activities โ€“ paggawa ng Palaspas at pagbibigay nito sa mga Simbahan bilang Donasyon.

โ€œAng mga kababaihan ay Multi-Faceted, sa Pamilya, Karera, at sa Kapwaโ€ ani Garcia.

Dagdag naman ni Gng. Palmarina, kaniyang mas paiigtingin ang kaniyang adbokasiya na mapabuti ang lagay ng kalikasan sa Lungsod ng Malolos. Dagdag pa niya, isa sa natatanging proyekto na nabigyang pansin ng PKKB ay yung โ€œpangangalakalโ€ na siyang nagsisilbing gawain para mapanatili ang kaayusan sa kalikasan gayundin naipapalit sa pera na siya namang ginagamit sa mga proyektong pangkalikasan.

Dumalo at nakiisa sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Konsehal Abgdo. Niรฑo Bautista, Konsehal Therese Cheryll โ€œAyeeโ€ Ople, Konsehal Ega Domingo, ABC President Jun Cruz at CSWDO Department Head Lolita S.P. Santos, RSW.