Binigyang pagkilala ng City Social Welfare and Development Office ang 5 natatanging kababaihan sa lungsod ng Malolos, katuwang ang Konsehong Panlungsod para sa Kababaihan ng Malolos (KPK) at Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB).

to ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso at naglalayon na kilalanin ang mga kababaihan na nagpamalas ng kanilang kahusayan at kakayanan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili at sa lipunan na kanilang ginagalawan.