Ginawaran ng plake ang mga kooperatibang nagpamalas ng natatanging serbisyo sa kanilang myembro na ginanap sa Auditorium ng New City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng kooperatiba.

Sa mensahe ni Assistant Regional Director Cooperative Development Authority Nelson Evangelista, hinikayat niya ang mga kooperatiba na magpatuloy at manghikayat pa ng mga pamilya na sumali sa koop dahil makatutulong ito patungo sa maunlad, mapayapa, at panatag na buhay. Dagdag pa niya, ang mga myembro ay matututong mag-tipid, mag-impok, at mag-invest.

Ayon naman kay City Administrator Joel Eugenio, malaki ang naitulong ng mga kooperatiba lalo na noong lockdown at may pandemic dahil ito ang isa sa tumutugon sa mga nangangailangan ng tulong-pampinansyal.

Ang matagumpay na programa ay sa pangunguna ng City of Malolos Cooperative Development Council (CMCDC), City Training, Employment andCooperative Office (CTECO)

Ang mga koop na tumanggap ng award ay ang mga sumusunod:

St. Francis Multi-Purpose Cooperative

-Best in Total Asset

-Best in Capital Build Up Program

-Best in Membership Expansion

Best in Net Surplus

1st Place- Pamana Credit and Development Cooperative

2nd Place- Panasahan Credit Cooperative

3rd Place- Malolos Credit and Development Cooperative

Best in Community Service

-Palayan sa Nayon MPC

Best in Business Resiliency -San Pablo Multi-Purpose Cooperative

Best in Total Asset-Bulacan State University Multi-Purpose Cooperative (Medium Category)

Best in Delinquency Control Practices-National Food Authority Employees Multi-Purpose Cooperative (Small Category)

Golden Servce Award-Sto.Rosario Credit and Development Cooperative

Award for Continuing Excellence (Millionare Cooperative)-Caniogan Credit and Development Cooperative

Award for Continuing Excellence (Billionare Cooperative)-Ligas Kooperatiba ng Bayan sa Pagpapaunlad

Dumalo rin sa nasabing awarding si Chief of Staff Ferdie Durupa.