Nagsimula noong Setyembre 2, 2024 ang taunang Bulacan Food Fair Exposition sa Hiyas Ng Bulacan convention center, at ito ay patuloy na dinarayo ng mga mahihilig sa pagkain mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Ang expo ay naglalayon na ipakita at ipagmalaki ang mga natatanging pagkain at produktong likha ng mga Bulakenyo.

Sa unang araw pa lamang ng expo, nag-uumapaw na ang mga bisita sa bawat booth, kung saan makikita ang iba’t ibang delicacies tulad ng pastillas Ng San Miguel, chicharon ng Sta. Maria, at ang masarap na empanada de kaliskis ng Malolos. Bukod sa mga putaheng ito, ipinagmamalaki rin ng expo ang mga lokal na produkto tulad ng suman, kalamay, at minasa.

Ilan sa mga produktong matatagpuan sa BUFFEX 2024 ay mula sa lungsod ng Malolos, kagaya ng Catalina’s kitchen na Ang produktong itinampok ay ang empanada de kaliskis na kilala bilang Isa sa mga paboritong meryenda noon pang 1820s. Nandoon din ang Taverna na nag aalok naman ng mga lutuing madalas nating matikman sa ating mg hapag kainan. Bukod sa mga pagkain lumahok din sa nasabing exposition ang grupo Ng Malikhaing Malolenyo na kinabinilangan naman ng mga mananahing sumailalim sa pagsasanay sa pananahi ng mga terno at iba’t ibang mga gown na may temang filipiniana.

Sa pagpapatuloy ng expo hanggang Setyembre 6, inaasahan ang mas marami pang bisita na dadayo upang matikman ang mayamang kultura at tradisyon ng Bulacan sa pamamagitan ng kanilang mga pagkain. ang Bulacan Food Fair Exposition ay isang patunay ng pagmamalasakit ng mga Bulakenyo sa kanilang culinary heritage at ng kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng lokal na industriya ng pagkain. Huwag palampasin ang natatanging okasyong ito—tikman, lasapin, at ipagdiwang ang lutong Bulakenyo!