Nagkaroon ng MOA Signing ang mga miyembro ng “Koop Kapatid Program” nitong ika-29 ng Setyembre sa Auditorium ng Malolos City Hall.

Sa mensahe ng Division Head of Cooperative na si Mellany D. Catanghal, layunin ng nabanggit na kasunduan ang pagsasama ng mga “maliliit” at “malalaking” kooperatiba sa Malolos upang magkatulungan ang bawat isa kasama ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa paglikha ng mga gawain at proyekto na makatutugon sa pangangailangan at pagpapaunlad ng mga kooperatiba.

Pinasalamatan naman ni CDA Regional Director, Cristina H. Villamil ang bawat kooperatiba na dumalo sa nasabing programa at hinihikayat ang bawat kooperatiba na magtulungan para sa kaunlaran ng bawat kasapi.

Dinaluhan ang naturang programa ng mga kinatawan ng iba’t-ibang kooperatiba sa Malolos at ng CDA Regional Director na si Cristina H. Villamil, Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, City Administrator Joel Eugenio, OIC-CTECO, Engineer Reynaldo S. Garcia, SK President Patrick Dela Cruz at iba pa.