Pirmado na ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Lungsod ng Malolos at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkakaroon ng “broadcast timeslot” ng DILG sa Roving Radio Station (RRS).

Ang nasabing programa ay magtatalakay ng mga kasalukuyang programa ng DILG na naglalayong magsulong ng pampublikong kaligtasan at pagpapalakas ng kapasidad ng lokal na yunit ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo.

Dumalo sa Nasabing MOU Signing sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, City Administrator Joel Eugenio, Provincial Director, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at City Local Government Operations Officer(CLGOO) Digna Enriquez.