Naging matagumpay ang muling pagbubukas ng MCDN Cup Inter- office Sportsfest sa Malolos City Sports and Convention Center . Ito ay nagsisilbing taunang pagsasama-sama ng mga empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan.

Ang layunin ng event na ito ay ang isulong ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at masiglang kompetisyon ng mga kawani sa Iba’t ibang sports tulad ng basketball, volleyball, table tennis, badminton, darts, billiards at maging ang sikat na mobile game na Mobile Legends.

Kung matatandaan hindi naidaos ang taunang sportsfest noong mga nakakaraang taon dahil sa pandemya kaya naman ito’y isa sa mga programa ng lungsod na pinakahihintay ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Bukod sa mga laro, nagkaroon din ng mga pagpapakitang-gilas ng mga nagagandahang mga muses at mga magagarang uniporme ng bawat koponan.

Ang MCDN cup ay nahahati sa 2 bahagi. Ang isa ay ang lokal na kompetisyon kung saan ang mga tanggapan lamang ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang maaring lumahok at ang nasyonal n kompetisyon kung saan mga ahensya nasyonal naman tulad ng PhilHealth, BFP, PNP Bulacan, PNP Malolos, BCAM at Provincial Government of Bulacan.

Ang mga nasipagwagi sa Best in Uniform at Best Muse ay ang mga sumusunod:

BEST UNIFORM

Mens Basketball ( National ) – Department of Education MALOLOS

Mens Basketball ( Local ) – City Engineers Office

Womens Volleyball (Local) – City Treasurers Office

Mens Volleyball (Local) – Sangguniang Panglungsod

BEST MUSE

NATIONAL

Angelica Laurente- Provincial Government of Bulacan

Mhikyle Miranda – Department of Education Malolos

Katelyn Rubio – Bureau of Fire Protection

LOCAL 39 UNDER

Larrah Eunice Burgos – OHHAA

Alyssa Marie Mariano- City Administrators Office

Reslyn Santiago- City Mayors Office

LOCAL 40 ABOVE

Ann Margaret Lomotan – OHHAA

Dumalo at nagpakita ng suporta ang ilang mga kawani ng mga tanggapang kalahok, mga pinuno ng mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos, mga konsehal na sina Noel Sacay, Ega Domingo at Troi Aldaba III, City Administrator Jo