
Mula sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos at Malolos City Police Station ginanap sa kaunaunahang pagkakataon ang Joint Council Meeting ng CADAC at CPOC para sa taong 2025.
Hangad ng pagpupulong ang makapagbalangkas ng mga konkretong rekomendasyon at solusyon sa mga suliranin kinakaharap ng lungsod partikular ang problema sa pinagbabawal na gamot at sa pananatili ng kaayusan at katahimikan sa buong kalunsuran.
Sa ulat ni PLTCOL Rommel E. Geneblazo COP Malolos , nagpresenta siya ng mga datos na nagpapakita ng kapansin-pansin na pagbaba ng krimen dito sa Lungsod ng Malolos sa 8 Focus Crimes . Kabilang dito ay ang murder, Homicide, Physical injuries, Rape, Robbery, Theft, Carnapping (motor vehicles) at Carnapping (motor cycle) . Isa pa aniya sa kanyang plano ang magkaroon ng war room/command center na maari nilang magamit sa pagpapanatili ng kapayapaan at makabawas ng krimen sa ating lungsod.
Ayon naman sa kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si IA V John Jerme Almerino, kailangan munang magdaan sa DDE or Drug Dependecy Examination na siya naming gagawaing basehan ng korte kung dapat ilagay ang RPWUD sa CBDRP o Community-Based Drug Rehablitiation Program o sa ibang institusyon na kahalintulad nito. Dagdag pa niya, kailangan din aniya ng pasilidad para sa BSRC o Balay Silangan Reformation Center na magbibigay naman ng suporta sa mga Qualified Drug Pushers at Plea Bargainers. Maari din aniyang makipagtulungan ang PDEA sa mga LGUs sa paglalagay ng adisyonal na pasilidad sa pamamagitan ng MOA o Memorandum of Agreement.
Sa parte naman ng lokal na pamahalaan, sa ulat ni Jinky Joy Del Rosario RSW SWO IV ibinahagi niya ang mga naging problema o hamon ng kanyang tanggapan sa rehabilitasyon ng mga RPWUD. Ayon sa kanya bagamat mayroon After Care Program ang lokal na pamahalaan, kailangan din aniya ng mga ito ang Intensive Out Patient Rehabilitation Program na dapat daanan ng mga RPWUD bago sila sumailalim sa After Care Program ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Bilang pagtatatpos magalang na hiniling ni Digna Enriquez CGLOO VI. na magtalaga ang bawat barangay at bawat tanggapan ng focal person at isang kinatawan kung sakaling hindi makakadalo ang focal person na dadalo sa lahat ng pagpupulong ng CPOC at CADAC upang ng sa gayon ay magkaroon ng continuity mga darating na pagpupulong.


Samantala binigyang parangal ang mga barangay na nagdaan sa City-wide Assesment para sa Barangay Road Clearing, HAPAG sa Barangay o Halina’t magtanim ng prutas at gulay at Kalinisan o Weekly Cleanup. Ang mga binigyang parangal na mga barangay ay magkakaroon naman ng pagkakataon na mabigyang parangal sa Nationwide Assesment ng DILG.
Sa kabuuan, ipinakita ng pulong ng CPOC at CADAC ang patuloy na determinasyon ng Lungsod na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan. Ang kanilang sama-samang pagsusuri at pagtutulungan ay mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas mapayapang komunidad para sa lahat.
Dumalo sa pagpulong sina CLG00 VI Digna Enriquez ng DILG, Executive Assistant IV ng City Mayor’s Office Omar Magno, Jinky Joy Del Rosario RSW SWOIV ng CSWDO, IA V John Almerino at Glenn Guillermo ng PDEA, PLTCOL Rommel E. Geneblazo Malolos Chief of Police , City Prosecutor Fiscal Aldrin P. Evangelista, mga kapitan at kinatawan ng barangay at mga konsehal na sina ABC President Belty Bartolome at Noel Sacay.