Matagumpay na isinagawang muli ang Iskulimpiks 2: Laro ng Lahi na ginanap sa harap ng Malolos Sports and Convention Center nitong ika-19 ng Enero, 2024

Kung matatandaan ay bago mag pandemya huling naisagawa ang gawain na may layuning maibalik at maituro sa mga bagong kabataan ang mga laro ng lahing tulad ng Patintero, agawan ng base, luksong lubid, at tug-of-war.

Para sa mga nagwagi, naging kampeon sa Luksong Lubid ang Malolos Marine Fishery School and Laboratory , na pinangalawahan ng CMIS -Atlag, at Pamarawan High School para sa ikatlong puwesto.

Habang itinanghal na kampeon sa Agawan ng Base ang CMIS-Bungahan, na sinundan ng Pamarawan High School, at CMIS-Santisima sa ikatlong puwesto.

Nanguna naman sa larong TUG OF WAR ang CMIS-ATLAG, Marcelo H. Del Pilar National High School (2nd), at Barasoain Memorial Integrated School (3rd).

Samantala, nakamit ng Pamarawan High School ang ikaunang puwesto sa Patintero, 2nd place sa CMIS -Atlag, at 3rd place para sa Marine Fishery School and Laboratory.

Ang pormal na paggawad ng pagkilala ay inaasahan na gaganapin sa ika- 23 ng Enero sa Liwasang Republika.