
Sa pagharap ng senadora sa mga benepisyaryo ng Young Farmers Challenge (YFC) Program at sa ilang kooperatiba sa ginanap na dayalogo sa Lungsod ng Malolos nitong ika-13 ng Abril, kaniyang binigyang diin na ang lungsod ng Malolos ay isa sa may pinakamagandang estilo para bigyang pansin ang pagusbong ng agrikultura sapagkat marami pa rin sa lungsod ang patuloy na nagsasaka.
“Ang proyekto po kasi namin, dalawang programa ito, dalawa po yung ginagawa namin yung Enchanced KADIWA at Young Farmers Challenge. ‘Yung Malolos kasi medyo unique dahil siyudad siya pero marami paring nagsasaka, kaya maganda isagawa ang mga programang pang-agrikultura rito” ani Sen. Marcos
Ang Young Farmers Challenge ay isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong mabigay ng pinansyal na suporta para sa mga kabataan na susubok magsimula ng negosyo sa sektor ng agrikultura at palaisdaan. Kung saan, maaaring makatanggap ang mga Young Farmers ng 50,000 pesos para sa mga solo business at 100,000 pesos naman para sa mga group business.
Sa kabilang banda, isa pa sa mga proyekto ng Department of Agriculture ay ang Enchanced Kadiwa, isang programa na nagbibigay suporta sa mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon ng kakahayang maging supplier sa mga kompanya at establisyemento.
Tampok rin sa gawain ang presentasyon ng mga makabago at modernong produkto at Negosyo na naging bunga ng YFC.
Ilan sa mga produkto ang Dehydrated Tomato, Kangkong Chips at Noodles, Gourment Bangus Sardines and Mussels at ilang mga negosyong pang-agrikultura gaya ng Fresh Vegetables, Poultry and Livestock at AquaCulture Technology.
Sa kahulihan, sinigurado ni Sen. Marcos na patuloy parin ang suporta ng kanilang tanggapan para sa mga Young Farmers at patuloy parin ang pagbibigay supporta para sa inobasyon ng sektor ng Agrikultura.
Kasama sa dayologo sina Asec. Kristine Evangelista for Consumer Affairs and DA Spokesperson, Vice Governor Alexis Castro, Mayor Christian Natividad, Vice Mayor Alberto Bautista, Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF. Carillo, Maricel L. Dullas – OIC-Chief, Agribusiness & Marketing Assistance Division, at Dr. Eduardo L. Lapuz, JR. – RTD for Operations & Extension, and AMAD.