Buong pusong tinanggap ng mga Malolenyo si House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin G. Romualdez, bilang panauhing pandangal sa pagpapasinaya sa Alagang Tingog Center (ATC) sa City Walk Sports Complex.

Ipinahayag din ng butihing congressman ang nakaiskedyul na pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 1000 miyembro ng Jeepney Operators at Drivers Association (JODA) at mga magaaral ng BulSU bilang benepisyaryo nito.

Ito ay sa pamamagitan ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations, isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ilan sa mga opisyales na taus-pusong sumalubong kay Cong. Romualdez sina Konsehal JV Vitug, Michael Aquino, Ayee Ople at Abgdo. Dennis San Diego, Vice Mayor Migs Bautista, Mayor Christian D. Natividad, Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, 1st District of Malolos Congressman Danny Domingo, TINGOG Part List Committee of Accounts Chairman Yeda Marie Romualdez, Deputy Majority Floor Leader Jude Acidre at Chairman Alejandro H. Tengco ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).