Simula Enero 13 hanggang Enero 25, tuklasin at tangkilikin ang mga lokal na produkto sa “La Tienda Para La Republika.” Narito ang ilan sa mga tampok na produkto:
Ipinagmamalaki ng iba’t ibang lugar ang kanilang natatanging produkto tulad ng Mango Graham, Yema Cake, at Cheesecake mula sa Addas Confectionary; sushi mula sa Jiyoana’s Sushi House sa La Union; at lamp, woodcraft products, kabilang ang kagamitang pang-kusina at sungka, mula sa Pangasinan at Marinduque. Sa Ilocos Sur, tampok ang mga hand-crafted bags, habang personalized vegan leather bags at wallets naman ang alok ng Mano Y Mano Creations. Mula sa Baliuag Bulacan, ang hatid ay Glass Bubbles at Jar Waterfalls, mga locally made prosperity products, samantalang chicharon bagnet, pastillas, at macapuno naman sa San Miguel.
Dinaluhan ang pagbubukas nina Konsehal John Vincent “JV” Vitug III, Jonathan Bryan Chua ng Regional Operations Manager,
Gay Gaddi Senior Mall Manager, Deputy Tourism Officer, Rommel Santiago, Assistant City Administrator and OIC of Tourism Division Gertudes N. De Castro, VMO-COS Patrick Dela Cruz, Supervising Administrative Information Officer Regemrei P. Bernardo at mga kawani ng Tourism Division.