Kaalinsabay ng lingguhang pagtataas ng watawat, inanunsyo ni Kristine Garcia, DMD, Dentist II, ang pagdiriwang ng National Oral Health Month na may temang “Sa Healthy Pilipinas, Bawat Ngiti Mahalaga” kung saan hinikayat niya ang mga kawani kasama ang mga iba’t-ibang ahensya ng Pamahalaang Lungsod at ang bawat isa na makiisa sa pagdiriwang na ito.

Sa mensahe ni Dr. Garcia, ibinahagi niya ang mga programang isasagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Health Office – Dental Health Division at ito ay ang mga sumusunod:

Pebrero 5 – Letrato para sa Selebrasyon (picture campaign)

-Sabayang Pagsisipilyo sa Day Care

-Sabayang Pagsisipilyo sa DepEd

-Bandilyong Pangkalusugan sa Barangay

-Motorcade para sa Oral Health

Pebrero 12- Unveiling of Oral health Mural-Malolos Eco Park

Pebrero 19- Anti-Smoking Campaign sa Barangay (RHU VII)

Pebrero 22- Gandang Ngiti ni Mommy at ni Baby (RHU II)

Pebrero 26- Isang Libo’t Isang Tuwa para sa Isang Libong Bata (12-24mos old) MSCC

Gayundin ang pag-ikot ng City Dental Bus sa iba’t-ibang Barangay ng Lungsod ng Malolos.

Sa nasabing gawain, kinilala rin ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni CMO-Sports Division Head, Toti Villanueva ang mga manlalaro ng Malolos Republic na nagkamit ng 3rd Place sa 2023 Sinag Liga Asya Lakas Kwarenta na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center noong ika-03 ng Pebrero.

Binigyang pagkilala rin si Pat Rainiel V. Dela Mines ng Malolos Philippine National Police bilang “Judge as the Station Idol of the Month for January 2024”, at si Danica Cervantes na isa sa mga kawani ng City Architect Office na nakapasa sa nakaraang Licensure Examination for Architects (LEA).

Sa huling bahagi, nagtanghal ang mga kampeon sa Dulansangan 2024, Malolos Marine Fishery School and Laboratory.