Ang sulat ng mga Kababaihan ng Malolos ay naglalaman ng pagnanais na matutunan at makapag-aral sila ng Wikang Kastila.
Ayon kay Tagapangulo ng Women of Malolos Foundation na G. Vicente Enriquez, isa ang paggunita ng Pagliham ng mga Kababaihan ng Malolos sa limang mahahalagang araw na may kaugnayan si Rizal sa Malolos. Hinihikayat din niya ang mga kabataan na ipagpatuloy ang legacy o pamana ng Kababaihan ng Malolos at patuloy pa rin silang susuporta sa mga pamana.
Lubos ang pasasalamat ni Pangalawang Punong Lungsod, Miguel Alberto T. Bautista sa mga bumubuo ng Women of Malolos at sa mga patuloy na sumusuporta sa maganda adhikain ng samahan.
Nagbigay din ng Tugon ang kinatawan ng mga kaanak ni Dr. Jose Rizal na si Bb. Gemma Cruz Araneta, base sa kwento ng kanilang pamilya “Naku, meron palang mga babeng ganiyang matapang, siguro kung nakilala ko sila, iba siguro ang pagkatao ni Maria Clara sa aking nobela.” Hinikayat din ni Bb. Araneta na basahin ang isinulat ni Rizal sa mga Kababaihan ng Malolos.
Ayon kay Dr. Eliseo Dela Cruz, kinatawan ni Gobernador Daniel R. Fernando, ang kaganapan ngayon ay isang hamon, hamon sa DepEd, sa mga kabataan, na buhayin ang diwang ito at hindi lamang maging isang larawan ng selebrasyon o padiriwang na kapag dumarating ang ika-12 ng Disyembre ay tayong lahat ay nakaupo at nakikinig sa nagsasalita. “Kailangang mabuhay ito sa kaisipan ng maraming kabataan.
Nakiisa rin sa nasabing paggunita sina Gng. Matilde Dionisio-Natividad, Kon.Ayee Ople, Kon. Abogado, Niño Bautista, Kon. Troi Aldaba III, Abgdo. Cyrus Paul Valenzuela, Dating Kalihim ng DOST, Sec. Boy Dela Peña, Peachy Romualdez, Bambi Reyes Virata, Rufy Virata, Encarnacion Laurel, Mia Syquia Faustman at Tess Herbosa.