Sa pangunguna ni LDRRMO IV Kathrina Pia D. Pedro, tinalakay sa unang pulong ng Local Disaster and Risk Reduction Management Council ang usapin patungkol sa paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos katuwang ang Bureau of Fire Protection at ilang mga kasapi ng konseho kung saan maigiting ang pagplaplanong isinasagawa.

Tinalakay ni SFO1 Erwin Parungao ang mga aktibidad na isasagawa sa Fire Prevention Month kung saan magkakaroon ng Kick-Off Parade, pamamahagi ng mga IEC Campaign Materials, Training sa mga Barangay at mga Eskwelahan, Art Contest at pagsasagawa ng Fire Olympics 2024.

Ibinahagi rin ni Parungao ang kabuuang datos ng mga Structure at Non-Structure na mga sunog kung saan magmula noong taong 2019 hanggang sa kasalukuyang taon ay patuloy na bumababa ang bilang ng sunog sa Lungsod.

Isa rin sa pinag-usapan ay ang epekto ng El NiΓ±o kung saan binigyang prayoridad ang aspeto ng Kalusugan, Agrikultura, Aquaculture, at Livestock ng Lungsod at ibinahagi ng mga kinatawan ng City Health Office, City Agriculture Office at City Veterinary Office na wala pang naitatalang negatibong datos.

Tinalakay din ni Michelle H. Pata (MAA I) ang lagay ng weather system sa Lungsod sa mga paparating na mga buwan kung saan inaasahan ang sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ay mawawala ang Hanging Amihan na siyang dahilan ng malamig na panahon at mapapalitan ng Hanging Habagat. Dagdag pa ni Pata, inaasahan ang pagpasok ng La NiΓ±a sa buwan ng Hulyo.

Sa pagtatapos ng pagpupulong ay tinalakay ni Vice Chairperson on Preparedness, Prevention, and Mitigation City Administrator Joel S. Eugenio ang mga usapin patungkol sa mga π‘“π‘–π‘Ÿπ‘’ β„Žπ‘¦π‘‘π‘Ÿπ‘Žπ‘›π‘‘π‘  sa Lungsod ng Malolos na walang pagkakakilanlan.