
165 na porters ng Malolos Public Market, pinagkalooban ng bota nitong ika-28 ng Enero, 2022
Nakatanggap sa araw na ito ang 165 porters ng Malolos Public Market ng bota, kasabay ng care package mula sa Dapat Bayan.
Sa mensahe ni Mayor Bebong Gatchalian, sinabi niya na nawa ang mga ipinagkaloob na kagamitan ay makatulong sa kanilang paghahanap buhay. Binigyang diin niya na ang gawain ay naglalayon na kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Porter sa kaayusan ng public market. Binanggit din niya na patuloy na isasaayos ang palengke upang mapalakas pa ito at lubos na makinabang ang mga mamamayan na dito kumukuha ng ikabubuhay.
Dumalo rin sa gawain si Kon. Niño Bautista, Kon. Ega Domingo, Kon. Rico Capule, Kon. Mikki Soto, Kon. Kiko Castro, Andy Ilag – OIC, Malolos Public Market at Dapat Bayan Chairman, Erick Fernandez.