Nagkaroon ng pagdinig sa Lupon sa Pangkapaligiran at Likas na Yaman sa pamumuno ni SK Federation President Kgg. Rian Maclyn L. dela Cruz ang ordinansang inakdaan ni Kgg. Victorino “Troi” M. Aldaba III na City Ordinance No. 20 – 2023 or An Ordinance Regulating the Use of Plastic and Polystyrene, Providing for the Proper System of Extended Producer Responsibility, Encouraging the Adoption of Reusable Products, or Redesign of the Products to Improve its Reusability, Recyclability, or Retrievability, and Providing Penalties for Violation thereof kasama ang kamayakda ng lahat ng miyembro na bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos.

Ibinahagi ng may akda, Konsehal Aldaba III na ang isinulong na ordinansang ito ay mayroon nang bagong mga Implementing Rules and Regulations o IRR kung saan mas paiigtingin ang paggamit ng mga biodegradable, at recyclable secondary plastic packaging sa mga produkto sa Lungsod ng Malolos.

Dagdag pa ni Konsehal Aldaba III, hangarin ng nasabing ordinansa na maihanay ang mga environmental policies na umiiral sa national at i-localize ang mga ito. Kaniya ring ang ilan sa mga umiiral na IRR gaya ng tamang paraan ng paggamit ng mga plastics at polysterene products, pagpapalawak at pagpapaigting ng mga implementasyon nito alinsunod sa proper waste management and reduction, at pagbuo ng mga environment-friendly na mga produkto.

Sa pagtatapos ng pagdinig sa nasabing ordinansa, ito ay sinangayunan at itinindig ng mga kasapi, kaya minabuti ng Pangulo ng Lupon Kgg. Rian Maclyn L. dela Cruz na maihanda ng sekretarya ng Sangguniang Panlungsod ang mga listahan ng mga establisyimento na gumagamit at gumagawa ng mga plastic.

Alinsunod din sa usapin hinggil sa proper waste management ay nagkaroon din ng pagdinig hinggil sa proposal ng The Clean O2 Eco-Friendly Corporation kung saan kanilang ibinahagi ang kanilang produkto na “Thermal Decomposition, O2-1000” kung saan ito ay may kakayahang makabawas ng mga basura na may bigat na 2 hanggang 5 tonelada kada araw. At ayon naman kay Ms. Esther Hong, Sales Director ng The Clean O2 Eco-Friendly Corporation, ang proseso ng Thermal Composition ay odorles, no smoke, at no hazardous substances at aprubado ng DENR-DOST at FDA-DOH.

Sa pagtatapos ng pagdinig ay sinuhestiyon ni Konsehal Michael Aquino kay City Environment and Natural Resources Office OIC Amiel Cruz na pag-aralang maigi ang nasabing panukala.

Dumalo at nakiisa sina Konsehal Noel R. Sacay, City Legal Officer Abgdo. Cyrus Paul S. Valenzuela, at mga kinatawan mula sa DTI, at DENR.