Sa ilalim ng pangunguna ni LDRRMO IV Kathrina Pia D. Pedro, tinalakay sa mga lider at kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ukol sa nasabing “Response Cluster.” Ipinakita nito ang kabuuang pagsusuri at pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon ng mga sektor at ahensiyang nauugnay sa DRRM. Layunin nito ang pagtukoy at pagtugon sa mga kakulangan at puwang sa sistema upang mapanatili ang maayos na takbo at tugon tuwing may sakuna o kalamidad.

Ang “Response Cluster” ay isinasaayos sa pamamagitan ng NDRRMC Memorandum Circular No. 131 series of 2018 – Guidelines on the Establishment, Operationalization, and Management of Emergency Operation Center (EOC). Sa ilalim ng “cluster approach,” itinataguyod ang agarang koordinasyon at pagtugon tuwing may sakuna o kalamidad, upang masigurong ang mga hakbang na kinakailangan ay masusing naipatutupad.

Kasama sa mga usapin sa pagpupulong ang mga detalye tungkol sa pag-usbong ng El Niño na siyang ibinahagi ni Michelle H. Pata MAA I, kung saan kaniyang ibinahagi na inaasahan ang epekto nito sa bansa simula Oktubre hanggang sa ikalawang kwarter ng 2024, na may 60% na tsansa na maaaring umabot hanggang Hunyo 2024. Sa kabila nito, ang paglamig ng panahon at mahinang pag-ulan ay mararamdaman sa Disyembre 2023 hanggang Enero 2024.

Tinalakay din sa pagpupulong ang pag-aaral ng Lungsod hinggil sa mga nakaraang bagyong gaya ng Super Typhoon Egay at Typhoon Falcon. Tinalakay ng lokal na konseho ang mga pinsala na idinulot ng mga naturang bagyo at pinagtibay ang mga hakbang upang mapalakas ang mga plano at paghahanda para sa mga paparating na pag-ulan at bagyo na maaaring magdulot ng epekto sa Lungsod ng Malolos.Sa pagtatapos ng pulong ay iminungkahi ni LDRRMO IV Kathrina Pia D. Pedro na magsagawa ng pagpupulong sa mga susunod na araw kung saan ay tatalakayin ang usapin patungkol sa “Evacuation Camp Management Plan”.

Dumalo at nakiisa sa nasabing pagpupulong si DILG Malolos CLGOO Digna A. Enriquez LGOO VI, Konsehal Michael Aquino, City Planning and Development Coordinator Engr. Eugene Cruz, EnP, City Veterinarian Dr. Jorge Crisostomo, CTECO OIC Engr. Reynaldo Garcia, Supervising Information Officer Regemrei Bernardo, CENRO OIC Amiel Cruz, Kinatawan ng CSWDO Alexis Cruz PPO I, Kinatawan ng City Health Office, Dr. June Baquiran at ibang mga kasapi ng konseho.