Bilang bahagi pa din ng selebrasyon ng International Childrens Month, nagsagawa ng Counselling, Values Formation, Parenting Capability Seminar ang Social Services Division sa pakikipagtulungan sa Population Welfare Division sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Lolit SP Santos RSW.

Kung matandaan, naisagawa ang kahalintulad ng seminar na ito noong ika-18 ng Nobyembre 2022 na ginanap naman sa Office of the Senior Citizen Affairs. Ayon kay Jinky Joy Del Rosario RSW SWO IV ang seminar na ito ay magsisilbing karagdagan kaalaman sa mga magulang patungkol sa tamang pagtataguyod at tamang pagkalinga sa mga batang kinukunsidirang Children In Conflict with the Law (CICL) at Children at Risk (CAR).

Bilang pagtatapos tumanggap ng mga grocery packs ang mga nagsidalo sa naturang seminar. Ito ay ginanap sa Bahay Kalinga sa Brgy Matimbo.