Sa ilalim ng patnubay ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa pangangasiwa ni Konsehal John Vincent “JV” Vitug III, muling matagumpay na naisagawa ang programang ‘Let’s be Healthy Together’ na ginanap sa covered court ng Barangay Mojon.

Ilan sa mga serbisyong inihatid ay ang pagbibigay ng libreng gamot, konsultasyon, libreng checkup sa mata,

libreng laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG.

Kabilang din sa mga nakatuwang sa programa ay ang TeleCure Medical and Diagnostic Center kasama ang ilang volunteers mula sa College of Nursing ng Bulacan State University.

Nagbigay ng suporta si Konsehal Vitug kaagapay ang Sangguniang Barangay at Kabataan ng Mojon sa pangunguna ni Punong Barangay Michael L. Adriano at SK Chairperson Joshua Limpo.

Dumalo at nakiisa din si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto Bautista.

Inaasahan din na magpapatuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa ilan pang mga barangay sa lungsod ng Malolos.