Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD ay muling nakatanggap ng 5000 piso nitong ika-15 ng Enero. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos , City Training and Cooperative Office-Employment Division (CTECO) sa pangunguna ni Engr. Reynaldo Garcia at Division Chief Marriane Mendoza at ng Department of Labor and Employment (DOLE)

Kung matatandaan ang TUPAD ay isang programa ng National Government na naglalayong magbigay ng pangsamantalang trabaho sa mga taong naapektuhan ng nakaraang pandemia. Ilan sa mga taong nabigyang tulong ng programang ito ay ang mga Jeepney at Tricycle Drivers, mga vendors, mga carinderia owners at maging ang ilang mga senior Citizens na may kakayanan pang magtrabaho.

Ang naturang programa ay dinaluhan ng ilang mga kawani ng CTECO at Melanie Nario DOLE TUPAD Focal person.