Ang naisagawang pag-pupulong ay isang oryentasyon at workshop para sa planong pagkolekta ng datos sa limang Barangay sa Lungsod ng Malolos: Brgy. Santiago, Brgy. Sto Niño, Brgy. Babatnin, Brgy. Bulihan at Brgy. Namayan. Ito ay para sa proyektong RBIM-IS o Registry of Barangay Inhabitants and Migrants Information System.
Ang RBIM-IS ay isasagawa upang matunton ang progreso ng migrasyon sa mga nasabing barangay. Ito rin ay proyektong naglalayong kumulekta ng datos na magagamit para sa pag-aaral ng Basic Demograohic Characteristics ng mga nasabing Barangay tulad ng Employment Variable, Education Variable, Health Indicators, Household Information at Migration Information.
Inaasahang ang 5 Barangay ay makikipagtulungan sa pangongolekta ng datos na isasagawa sa kanilang mga barangay. Ang datos na makakalap sa isasagawang sarbey ay gagamitin para sa planong pag-iimplement ng RBIM-IS sa ating Lungsod ng Malolos at para na rin sa development planning sa Local Government ng Lungsod ng Malolos at pati na rin sa mga Barangay.
Ang proyektong RBIM-IS ay naisagawa sa pakikipagtulungan ni POPCOM Regional Director Lourdes Nacionales at technical assistance ng Commission on Population Region III.
Ang mga kasama sa nasabing pagpupulong ay sina City Administrator Joel S. Eugenio, CSWDO Department Head Lolita SP. Santos RSW, POPCOM Division Head Joemari S. Caluag, PPO IV, at Project Evaluation Officer I Maria Cristina R. Bondoc, at Information Officer II Isa Roane M. Chan ng POPCOM Region III.