Dinaluhan ng lahat ng Youth Leaders, SK Treasurers at SK Secretaries sa Lungsod ng Malolos, matagumpay na nailunsad ang Project MULAT sa BarcCIE International Center .

Ang Project MULAT ay mula sa inisyatibo ni Local Youth Development Officer Bryan Paulo S. Santiago katuwang ang SK Federation ng Lungsod ng Malolos at Lalawigan ng Bulacan, Department of Interior Local Government ( DILG), Provincial Sports and Youth Development Office, National Youth Council at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. Hangad ng Project MULAT ang mabigyan ng isang ligtas at organisadong kapaligiran kung saan malaya nilang maihahayag ang kanilang saloobin sa mga isyu at problema ng kanilang sektor. Layunin din ng proyektong ito ang ang mabigyan ang mga kabataan ng sapat na pagsasanay o training na makapaghahanda sa kanilang mga sarili sa mga problemang maari nilang makaharap sa larangan ng paglilingkuran.

Ayon kay LYDO Bryan Paulo Santiago, importanteng ngayon pa lamang ay maibahagi na sa ating mga kabataan ang kahalagahan at kung gaano kaimportante ang kanilang papel sa pangkalahatang sitwasyon ng hindi lamang ng ating lungsod kung hindi ang buong Pilipinas. Kailangan din aniyang malaman ng ating mga kabataan na ang pagiging Lingkod Bayan ay hindi lamang pasikatan, ito ay pamumuno may kaakibat na responsibilidad at nangangailangan ng taus pusong dedikasyon, integridad at ang kagustuhang maglingkod ng walang kapalit sa mga nasasakupan nito.

Bilang pagtatapos, naging paksa din ang mga isyu at mga problemang nakaharap nila sa maiksing panahon ng kanilang paninilbihan bilang SK Treasurers at SK Secretaries ng kanilang barangay at kung paano nila itong epektibong nabigyan ng solusyon.

Sa mensahe ni Digna Enriquez CLGOO VI ng DILG pinaalalahanan niya ang mga dumalong SK Officials sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang SK Treasurers at Secretaries.

Photo Credits: Earl Lucky Panganiban Ramos