
Bilang bahagi ng pagpapalago ng Local Food Culture, Food Tourism at Providing Livelihood na siyang isinusulong ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Inc. o PCCI, binigyang pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamumuno ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ng “Special Citation Award” na handog ng The Bulacan Chamber of Commerce and Industry Inc. at Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan sa pagtatatag ng konsepto at ideya ng Banchetto Night Market sa ikatlong araw ng Bulacan Food Fair and Exposition 2024.
Ang Banchetto Night Market o mas kilala sa tawag na Malolos Banchetto ay isang programang binuo at tinatag ni Punong Lungsod Natividad na magbibigay ng libreng pwesto para sa mga Malolenyong Micro, Small, and Medium Enterprises Business owners o MSMEs matapos ang nagdaang pandemya.
Bukod sa Special Citation Award, ay kinilala at ginawan din ng plake ng pagkilala ang dalawang Bulacan Food Champions na sina Flor’s Carinderia at Route 95 Diner.
Dumalo at nagpakita ng suporta sina Former Senator Paolo Benigno “Bam” Aguirre Aquino IV, Ofelia B. Mangulabnan, Chairman of Board, BCCI, Maria Alegria “Bing” Sibal-Limjoco, VP- Regional Affairs, PCCI, Corina Tengco- Bautista, Cristina Tuzon Regional Governor, PCCI Region III, Carmencita C. UychocoVP for Membership, BCII, Municipality of Guiguinto Mayor Agatha Paula A. Cruz, Pangalawang Punong Lungsod ng Malolos Miguel Alberto T. Bautista.