Muling sumailalim sa Regional Validation ng Department of the Interior and Local Government Seal of Good Local Governance 2024 ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ngayong ika – 28 ng Mayo sa 4F Auditorium ng New City Hall of Malolos.

Sa pambungad na mensahe ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, kaniyang binigyang komendasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa patuloy na pagsulong at pagbuo ng mga programa at proyektong makakatulong sa pamumuhay ng bawat Malolenyo.

“Grabe ang effort ni Mayor, ng mga local officials to deliver the basic services and to really raise the bar in providing public service in the City of Malolos” ani Fabia.

Dagdag pa niya “Malayo pa, pero malayo na ang narating ng siyudad ng Malolos sa mga nakaraang taon.”

Sa unang bahagi ng pagtataya ay binisita ng Regional Assessment Team sa pangunguna nina Provincial Director, DILG – Bulacan Myrvi Apostol-Fabia, LGOO VII Judith Romero, LGOO VI Rosalyn Jumaquio, LGOO III Rev. Eunice Mallari, at Luningning Dela Cruz kasama si DILG Malolos CLGOO Digna A. Enriquez LGOO VI ang Material Recovery Facility (MRF), ECO Park, Rural Health Unit VII, Regional Evacuation Center, Operation Center, City Disaster and Risk Reduction Management Office, Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) at ang Malolos Sports and Convention Center (MSCC) kung saan masusing sinuri ng RAT and mga imprastraktura na naaayon sa mandato ng Department of the Interior and Local Government.

Sa Ikalawang bahagi naman ay nagsagawa ng pagpapatunay at analisis ng mga pinagsama-samang Means of Verification (MOVs) ng 10 Performance Areas na Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Safety, Peace and Order, Business-friendliness and Competitiveness, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture, and Arts and Youth Development. Ang bawat isa sa mga performing areas na ito ay kumakatawan sa isang mahalagang aspeto ng mabuting pamamahala, na siyang basehan sa epektibong pagtugon ng LGU sa mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito.

Ang gawain ay dinaluhan ng mga pinuno ng departamento, designated at division heads mula sa CBO, CDRRMO, CSWDO, POPCOM-DIVISION, CTECO, CEO, CHO, DepEd, BPLO, Malolos City Police Station, CENRO, Tourism, at Local Youth Development Council ng Malolos, pati na rin ang mga honorable na miyembro na namamahala sa mga komite na nauugnay sa 10 performance areas at ng Malolos SGLG 2024 Technical Working Group.

© 2024 – dewahoki303™